“Dad! Where have you been?!” My daughter’s high-pitched voice welcomed me as I entered our house. Mukhang kanina pa niya akong hinihintay dahil noong pagpasok ko sa loob ay agad siyang tumayo at nagtatakbo para salubungin ako. Inilibot ko ang paningin sa buong kabahayan, umaasa na may iba pang lalabas pero wala nang ibang sumalubong bukod sa anak ko. Wala na akong ibang ingay na narinig bukod sa galit na boses ng aking anak. “Why are you still awake, honey?” It’s already eleven in the evening and she is still wide awake. Nakasuot na siya ng pajama pero hindi pa rin natutulog. Nasaan na ba si… oh never mind! Nag-squat ako at akmang yayakapin siya nang umiwas siya sa akin at bahagya pa akong itinulak. Hindi naman ako natinag, sa halip ay tinitigan ko lang ang maliit na bata na walang