“That’s enough, mom. You have already consumed a whole tissue. Are you planning to finish that one too?” Napatigil ako sa ginagawang pagsinga nang magsalita si Skye. Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa aking tabi habang kunsumidong tinitingnan ako na may halo rin namang kaunting pag-aalala. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa sofa, pagkatapos ay naglipat naman ang tingin ko sa mga gamit na tissue paper na nakakalat sa mesa at hindi ko naitapon nang maayos sa maliit na garbage bin. Sa kamay ko ay mayroon pa ulit akong hawak na panibagong bukas na tissue. “I’m sorry, sweetie. Mommy can’t help it,” ani ko bago pinunasan ang luha sa mata at saka inilabas ang mga naipong sipon sa ilong. Napabuga ng hangin si Skye. “I know, mom… but that’s enough. You have been crying since we got h