Nanlalabo pa ang aking mga mata mula sa pag-iyak dahil sa magandang balitang narinig mula kay Phoenix nang muli niyang angkinin ang aking mga labi. Nagsimula sa banayad na paghagod ng labi hanggang sa unti-unting lumalim ang bawat halik niya. Nananatili pa rin akong nakakandong sa kanya. I kissed him back wholeheartedly. Ibinuhos kong lahat sa halik na iyon ang lahat ng nararamdaman kong saya. Ibig sabihin ay hindi na magiging problema kung aaminin ko sa kanya na buntis ako dahil ang sabi naman niya ay handa na siyang magkaroong ng anak. At higit sa lahat, ang nagpasikdo sa aking puso ay ang kaalaman na kaya niyang harapin ang lahat ng kanyang takot kung kung ako ang magiging ina ng kanyang magiging anak. “Uhhmmppp…” Napaungol ako sa gitna ng halikan namin nang maramdaman ko ang mga kama