“Okay na ba? Akin na…” Inilahad ko ang palad kay Phoenix na nasa tabi ko lang. Pinapanood ko ang mga sitaw na tila sumasayaw sa kumukulong tubig na nakalagay sa kaserola nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ang magkasiklop na mga daliri namin ni Phoenix. Nang mag-angat ako ng ulo ay naabutan ko pang nakangisi siya sa akin. Mariin akong napapikit at saka napahagalpak ng tawa. “Baliw! Hindi ko sinabing ‘yong kamay mo! Akin na ‘yong ginayat mo na kamatis!” Halos umalog ang tiyan ko sa pagtawa dahil sa kanya. Ang inefficient naman nitong assistant ko. Tsk! Nagluluto kasi ako ng sinigang, tapos nakikisali ang isang ito. Well, my rest day started in a very very productive way! Alam na naming dalawa kung ano ang ibig sabihin ko ro’n. “Gusto mo bang