XLVI: Wala na

2417 Words

I prepared a candlelit dinner as a part of my surprise for Phoenix. Nagluto ako ng chicken pasta at grilled steak. Hindi naman sinabi ni Phoenix kung anong oras siya uuwi pero in-expect ko nang aabutin ng gabi kaya nagkaroon ako ng mahabang oras para makapaghanda. Pinagtuunan ko pa ng buong atensyon ang pag-design ng mesa. Kailangan ko pa ngang magpabili kanina ng kandila dahil wala pala akong ganoon dito sa unit. This is my first time doing this and I felt like a teenager being so giddy because of excitement. Noong maayos na ang mesa ay mabilis na bumalik ako sa kuwarto para naman asikasuhin ang sarili. Mabilis lang akong naligo dahil baka biglang dumating si Phoenix. I am wearing a maroon silk sling dress. Lampas hanggang tuhod ito na mayroong mahabang slit hanggang sa kaliwang hita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD