“Sandali nga! You have to change clothes—Phoenix naman!” Pakiramdam ko ay mapapaanak ako kahit na hindi pa nga ako nakakatuntong sa second trimester dahil sa lalaking ito. “Oh, God!” Napabuntong-hininga ako at napahilot sa sentido nang hawiin ni Phoenix ang aking kamay sa hindi ko na malaman kung ilang beses ito. “No! I-I said don’t touch me! My m-missy would be mad at me…” Napasinok pa siya habang pilit na nagsusumiksik sa gilid ng sofa kahit na wala nang sisiksikan. Kanina pa kaming nagtatalo dahil gusto kong hubarin niya ‘yong polo niya para makapagpalit ng ibang damit dahil basa nga ‘yong suot niya, pero ayaw naman niya akong pahawakin sa kanya. Akala mo naman ay pagtatangkaan ko ang puri niya! Aba, sa aming dalawa ay siya lang naman itong manyak! “Leave me alone! I want my mis