“P-Phoenix… h-hey!” Nakatayo ako halos dalawang dangkal ang layo sa sofa na hinihigaan ni Phoenix, habang sinusubukan kong tawagin ang pangalan niya sa pagbabaka sakali na magising siya. Huminga ako ng malalim dahil habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog ay patuloy naman sa paghuhuramentado ang aking puso. Halos pinagkasya lang niya ang sarili sa sofa dahil lampasan ang dalawang paa niya na hindi na nagawang tanggalin ang suot na sapatos. Pakiramdam ko ay ako ang nahihirapan sa posisyon niya roon. Bukas ang unang tatlong butones ng suot niyang puting polo, habang nakapatong naman ang kanyang kaliwang braso sa noo kaya natatakpan nito ang kanyang mga mata, ang kanang kamay naman ay nakalaylay sa ibaba. Gusto kong itaas iyon at ayusin pero ayokong dumampi man lang ang balat niy