Alas otso, araw ng Lunes, ay maaga akong pumasok sa trabaho. Pagkatapos ng mahigit halos isang linggo rin na bakasyon ay ngayon na lang ulit ako makakabalik sa trabaho, at hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin sa store. “Welcome back, Ma’am Astrid!” Napahawak ako sa sandalan ng upuan sa sobrang gulat dahil pagtapak ko pa lang sa pinto ng store ay sinalubong agad ako ng malakas na pagbati mula sa mga staff ko, kasabay nang pagsabog ng makukulay na confetti. Mayrooon pa nga akong nakain na isang papel kaya mabilis kong inalis iyon. “B-bakit may pa-ganito?” nahihiyang tanong ko habang hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa kanila. Nakahilera sila sa harap ko at pare-parehong malalaki ang ngiti na iginagawad sa akin. Sina Alvin at Philip ay mayroon pang hawak na isang cartolina