Nasa loob ako ng kotse habang hindi ko namamalayan na napapatagal na pala ang pagkakatitig ko sa hawak na sonogram, nang bigla namang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko ay may isang mensahe galing sa isang hindi nakarehistrong numero. Unregistered number: Where are you? Pagbukas at pagkabasa ko pa lang nito ay kumabog na agad ang aking dibdib. Hindi ko alam pero parang may hinala na ako kung kanino galing ito. Kaunti lang ang naka-save sa contacts ko at nakakaalam ng aking numero, at nitong nakaraang araw ay iisang tao lang naman ang pinagbigyan ko. Ayokong mag-assume pero sa tingin ko ay si Phoenix iyon, kaya naman sa halip na mag-reply ay agad ko na lang na binura ang text niya. Eksaktong ibabalik ko na sana ito sa bag nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Ngayon ay tu