“Alis ka po ulit, mommy?” Napatingin ako sa anak ko na nangungusap ang mga mata habang nakatingin sa akin. Nandito ako sa loob ng kuwarto, nag-aayos ng sarili nang pumasok si Skye kanina at dire-diretsong umupo sa kama para panoorin ako. Itinigil ko naman ang ginagawa at humarap sa kanya. “Yes, sweetheart.” Malumanay na tumango ako habang may tipid na ngiti sa mga labi. “Marami kasing inaasikaso si mommy. Hindi kita maisasama.” Napabuntong-hininga siya bago tumango na lang sa sinabi ko. Nalungkot at naawa ako sa reaksyon ng anak ko. Alam kong hindi lang niya masabi pero siguradong marami siyang tanong sa akin. Tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Iniupo ko siya sa aking mga hita bago mahigpit na niyakap. “Nagtatampo ka ba kay mommy, hmm?” Tumango naman siya pero mabilis din na umil