Nanghihinang napaluhod ako. Ramdam ko ang malamig na semento na nanunuot sa aking tuhod habang nakatingin sa direksyon na dinaanan ng sasakyan. Hindi ko na rin iniinda ang sakit nang pagkakabagsak ko dahil ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay ang lalaking kamukhang-kamukha ni Phoenix. Makalimutan ko na ang lahat pero hindi ang mukha ng taong mahal ko at ng lalaking pinakasalan ko. Pero paano nangyari iyon? He is gone. My husband was long gone. Paano mangyayaring siya ang nakita ko kanina? He was wearing a white long sleeves and black pants—that was his usual attire. Eksaktong pasakay na kasi siya noon sa sasakyan at hindi agad ako nakahuma sa sobrang gulat noong makita ko ang lalaki. Saka lang nag-react ang katawan ko kung kailan paalis na ang kotse. I’m freaking slow! “Ano ba, Mis