“Hello there, Ms. Miranda!” Ngiting-ngiti sa akin ang lalaki nang magtama ang aming mga mata habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na siya pala ang ka-meeting ko ngayon. Hawak ko lang ang seradura ng pinto habang nakatanga pa rin sa kanya, hanggang sa siya na rin ang nagsara ng pinto. “Looks like you are taken aback, Ms. Miranda…” he said still smiling, or more likely smirking at me. Noong akmang hahawakan niya ako sa balikat ay hindi ko alam kung bakit bigla akong napaatras palayo para umiwas. Mas lalo naman akong nahiya dahil doon. “Uhm… sorry, I’m late.” Paghingi ko ng paumanhin at bahagyang nagbaba ng ulo. Nakakahiya. Kanina kasi ay hindi ko na talaga namalayan ang mga oras habang kausap ko si Sera. Nagkita na kaya sila ng daddy niya? Sana ay ‘wag siyang pagalitan, muk