Habang nakasakay sa escalator at hinihintay ang mabagal na paglipat sa susunod na palapag ay sumasabay rin ang pagkabog ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit parang hinahataw ang aking dibdib. Kinakabahan ba ako na baka hindi ko ma-close ang deal? Na baka hindi ko mapapayag ‘yong may-ari na makipag-partner sa amin? Damn! I am so freaking nervous and I don’t even know why! Hindi naman ako ganito dati kapag makikipag-usap sa mga malalaki at maimpluwensyang tao dahil nahubog na yata ako sa trabaho ko nang ilang taon din, kaya hindi ko maintidihan kung bakit dinadaga ang dibdib ko ngayon. Noong makarating sa susunod na palapag ay nagsimula na agad akong maglakad papunta sa direksyon ng store. Itinanong ko na ito sa mga dati kong katrabaho at itinuro naman nila sa akin kung saan. Mahigpit