“I will just be quick, sweetheart. Hindi ka na isasama ni mommy, hmm?” Kinabukasan pag-uwi namin galing sa school ay sa anak ko naman ako nagpapaalam dahil kailangan kong i-meet ngayon ‘yong owner ng Twin Flames. Sa wakas ay sumagot na raw sa email ni Jayson kagabi lang. Mabuti na lang din at ‘yong oras na naka-set ay nasundo ko na si Skye school at nandito na kaming lahat sa bahay. At ang sosyal pa dahil ‘yong mismong owner ang makakausap ko. Lowkey pa naman daw ‘yon sa public! “It’s okay, mom. Take care po.” Iniwan ni Skye ang pag-da-drawing para kausapin ako. Una pa lang ay wala na akong planong isama ang anak ko dahil nag-iingat na rin ako. Mabuti na ‘yong nandito lang sila sa bahay kaysa kung sino-sino pang loko-loko ang makasalubong namin sa daan. Hindi ko pa rin makalimutan an