Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa tapat na kami ng gate ng buong compound. Kasama ko ang aking nanay at tatay, ang ibang mga kamag-anak na maagang nagising ay nandito rin. Pasado alas sais pa lang yata ito ng umaga. Sino ba naman kasi ang hindi maagang titiplag kung biglang may kakatok sa pinto mo at sasabihin na mayroon kang delivery sa labas. At hindi lang basta parcel ito na na-order noong nag-online shopping ka kung hindi… “Ano ga’t ang ‘pag sa dami niyan! Daig pa ang may kasalan na paghahandaan, e!” Narinig kong bulalas ng aking mga tito. “Ay saan naman ‘yan ilalagay? Sikip na sa compound. Tayo’y pagagalitan ni Kapitan!” Kani-kanya silang komento habang nakamasid sa labas ng gate. Paano ba naman ay ilang malalaking pick-up truck ang sunod-sunod na nakaparada sa labas. Hindi na