LVI: Babalik

3306 Words

“Sinabi sa akin ng mga tito mo na may naligaw raw na hambog dito kanina at hinahanap ka.” Napatigil ako sa pagkain nang magsalita ang aking ama. Sabagay, inaasahan ko na naman na ito. Hindi ako nag-expect na itatago ng mga kamag-anak namin ang nangyari kanina. “Ang lakas ng loob ng g*gong ‘yon!” Sa tono pa lang ng pananalita niya ay kinakabahan na ako kaya hindi ko na nagawang makasagot pa. Mabuti na lang talaga hindi naabutan ng mga magulang ko si Phoenix. Kanina noong bumalik ako rito sa bahay at iwan sila roon ay umalis din daw naman agad ang binata ayon sa mga pinsan ko. Hindi na rin ako pinuntahan dito ng mga tito ko para usisain tungkol doon, iyon nga lang ay sila na rin ang nagsabi sa mga magulang ko. At heto nga, binubuksan ang usapan tungkol doon ngayong kumakain kami ng hapun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD