Chapter 44: Brown Envelope

2606 Words

“Hindi ko na hihintayin na anyayahan mo akong pumasok sa loob…” Sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Don Ezequiel at sa kanyang presensiya ay hindi ko na nga napigilan ang matanda nang itulak niya ang gate para mabuksan iyon nang mas malaki at saka dire-diretsong pumasok sa loob. Nilampasan lang niya ako na hindi halos makagalaw sa isang tabi. “I’m initiating and inviting myself to come in your abode,” turan pa ng matanda habang tinitingnan ang kabuuan ng aming kabahayan mula rito sa labas. “S-sandali, Don Ezequiel!” Saka lang ako natauhan noong magsimula na siyang maglakad. “N-Nori… a-ano ang ginagawa n’yo rito?! Umalis na kayo!” Takang binalingan ko ng tingin ang lalaki na dati ay nakikita ko lang na parating kasama ni Phoenix. Kaya pala hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD