“Where are you, wife? Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot.” Hindi ko alam kung saan itutuon ang atensyon, sa kalsada ba na binabaybay ng sasakyan na aking minamaneho o sa nag-aalalang boses ng aking asawa na kung kaya lang niyang makapunta agad sa akin ngayon ay siguradong nandito na siya maya-maya lang. “I’m sorry. I’m driving, baby.” Panandalian akong huminto dahil naabutan ng stoplight. Medyo malayo na rin ang nararating ko dahil kanina pa akong nag-da-drive. “M-may aasikasuhin lang ako, mahal. Babalik din agad ako mamaya…” ani ko pa para hindi na siya mag-alala pa. Humigpit ang hawak ko sa manibela kasabay nang marahas na pagbuga ng hangin na siguradong narinig niya. “Are you okay? Please, wait for me, baby. I’m worried.” Mas malalim ang naging buntong-hininga niya.