“Are you coming home, baby? Anong oras na…” Napatingin din ako sa relong pambisig habang pinakikinggan ang nag-aalalang boses ni Phoenix mula sa kabilang linya. Alas diyes y media na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga bata ng ganitong oras. May araw pa naman noong tumulak ako paluwas ng Manila pero gabi na ay hindi pa ako nakakauwi. Sa katunayan ay desisyon ko na hindi na muna umuwi sa bahay, nagtambay muna ako sa lugar kung saan pwede akong magpakalma at makapag-isip nang maayos. My heart is so heavy. Habang nagmamaneho ay panay ang tulo ng luha ko. Nagpapasalamat na nga lang ako na walang nangyaring masama dahil lumilipad ang isip ko habang nasa biyahe kanina. Nagsisisi ako na nasabi ko sa mga magulang ko ang masasakit na mga salitang iyon, pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin