I woke up feeling like someone is hammering inside my head. It hurts like it is f*cking the hell out of me. My joints were throbbing, my whole body is in pain. And at the same time, I was damn confused not knowing where am I. What happened? Nasaan ako? Higit sa lahat ng mga pisikal na sakit na nararamdaman ko ngayon ay ramdam ko ang matinding pagkirot ng aking puso na para bang gusto kong umiyak, sa hindi malamang dahilan. Parang hinahati sa maliliit na piraso ang puso ko, mas masakit ito sa pagkirot na iniinda ng ulo ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid at halos purong puti ang nakikita ko. Panaka-naka ay naririnig ko ang mahinang tunog ng parang aparato na mas lalong nagpapasakit sa aking sentido. Pakiramdam ko rin ay mas lalong hindi ako makahinga sa kung anong nakakabit sa akin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books