Chapter Two: Skye Blaze

2562 Words

“What is this, mommy?” Nakaharap ako sa laptop dahil may kailangan akong i-send na email nang sumiksik sa tabi ko si Skye. Nandito na kaming dalawa sa kuwarto pero parehong hindi pa natutulog. Bukas na bukas pa ang ilaw dahil mayroon pa rin siyang ginagawa sa tabi ko. Nakakalat ang flashcards na mayroong iba’t ibang pictures. Gabi na pero gusto pa rin yatang mag-aral ng anak ko. “Hmm?” Mabilis na iniwan ko ang ginagawa at kinuha ang inaabot niyang flashcard. “It’s a dolphin, sweetheart.” Nakangiting ginulo ko ang buhok niya bago hinagkan sa noo. “No, mommy. It isn’t! It is a porpoise,” aniya sa matatas na ingles bago kinuha sa akin ang flashcard. Napakunot ang noo ko. Ano raw? Hindi ko pa narinig iyon. “They are just similar to dolphins, but they are not one.” Bahagya siyang umalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD