“Walang asawa… naanakan lang yata ng ibang lalaki.” “Ang alam ko kabit lang ‘yan. Taga-Maynila ang lalaki. Noong nabuntis ay iniwan din.” “Baka mayaman ang lalaki kaya pumatol. Sabagay, maganda naman siya.” “Hindi kaya. Maputi lang siya, pero hindi naman maganda. Mas maganda pa ako.” Nakikinig ako sa nagsasalita sa unahan pero hindi ko masyadong maintindihan dahil sa ilang bulungan at mahinang tawanan sa aking gilid. Akala ko tuloy ay nasa palengke ako sa halip na nasa school. Sumulyap ako sa gawi nila kaya naabutan ko pa na nakatingin sa akin ang dalawang babae na mukhang hindi nalalayo sa aking edad. Nanlaki pa ang mga mata ng babaeng may nunal sa sentro ng ilong bago nag-iwas ng tingin sa akin. Kinalbit niya pa ang babaeng katabi, pagkatapos ay tumingin sila sa harapan na akala mo