“So here comes the groom! Congratulations, brother!” “Ready to tie the knot, buddy? Your under-standing era is about to start!” Pagpasok ko pa lang ng pinto ng VIP room ay ang maingay na halakhakan agad ng dalawa kong kaibigan ang sumalubong sa akin. They are Theon and Winston. Bilang lang sa aking daliri ang mga tinuturing kong kaibigan. Nandito ako sa PM’s Hideout, isa sa mga bar na pagmamay-ari ko. Wala naman akong planong lumabas ngayon dahil marami pa akong ginagawa pero hindi rin naman ako magkaroon ng katahimikan sa penthouse dahil maya’t maya ang pagtawag ng mga kaibigan ko. They are a pain in the aśs! “Shut up! F*ck wedding! F*ck those women! F*ck everything!” Pabagsak akong umupo sa couch habang inaabutan ng cold beer ng nakangising si Theon. Mabilis na binuksan ko iyon at l