“Push, mommy! You have to push harder!” Sa sunod na pagmulat ng mga mata ko ay ang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Nakahiga ako at punung-puno ng pawis ang buong mukha habang pinipilit na umire para mawala ang sakit. Pakiramdam ko ay hinahati ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Maraming tao sa aking paligid. Maingay. Nagkakagulo. Mayroong nakahawak sa isa kong kamay pero hindi ko naman makilala kung sino, isa yatang nurse. Mahigpit ang hawak ko sa kanya dahil sa kanya lang ako kumukuha ng lakas sa mga oras na ito. “Ah! Arghhh!” Pilit na pilit ang pag-ire ko sa sobrang sakit. It hurt so bad that I felt like I was being run by a train. Nakakabulahaw ang sigaw sa loob ng delivery room. Pakiramdam ko ay magpuputukan ang ugat ko sa ulo dahil sa pressure na ibinibig