“S-sandali, a-anak…” Hindi ko maramdaman halos ang mga binti at paa ko sa sobrang panghihina ilang minuto lang nakakaalis ang mga bisita. Kung wala ang nanay ko sa aking tabi ay baka sa sahig ako pinulot. Mabuti na lang mabilis niya akong nasalo pero dahan-dahan din kaming napaupo sa malamig na sahig. Napahawak ako sa aking tiyan na kanina pa panaka-naka ang pagsulpot ng kirot. “Aurelio! Dalian mo! Aurelio!” Tinatawag niya ang tatay ko pero wala na akong halos maintindihan dahil napatulala na lang ako sa kawalan. Nalulungkot. Nasasaktan. Nagagalit. Nadidismaya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman sa mga oras na ito. I have always look for the day that I will meet Phoenix’s grandfather but I was just left heartbroken after. “Diyos ko! Ano ang nangyayari?!” Narinig k