“I am Don Ezequiel Montereal, grandfather of Phoenix Montereal. I guess you know that man too well?” Naiintriga ako kaya bahagya akong lumapit sa pasimano at narinig ko ngang iyon ang sinabi ng matandang lalaki. Namilog ang aking mga mata at kulang na lang ay pulutin ko ang puso sa sahig dahil nahulog yata iyon sa sobrang kaba. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang kanyang itsura pero kahit sa malayo ay halos panlamigan ako. Nakapalibot sa kanya ang mga tauhan na siyang nagbibigay ng distansya mula sa aking ama at mga tiyuhin. Akala ko ay silang dalawa ni Phoenix ang magkasabay na pupunta rito, pero hindi pa nakakalapag ang eroplano ng asawa ko. Nauna nang dumalaw ang lolo niya! Oh, God! Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Lumingon ako sa aking ina na