“Ako na ang mag-aayos niyang mga damit namin ng tatay mo, anak. Magpahinga ka na ro’n sa loob.” Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga natuyong damit na nilabhan kahapon. Hindi ko na kasi nagawa pa kahapon dahil naglambing ang mga pamangkin ko na turuan ko raw sila sa mga assignment nila. Maayos na isinalansan ko ang mga damit sa mesa, habang ang nanay ko naman ay iniha-hanger ang huling pantalon na pinlantsa niya. Sila itong maaga pa lang ay nasa palengke na. Kaso balisando nga rin ang katawan nila na walang ginagawa. Pero ang tatay naman ay tulog na dahil nalasing sa ilang boteng ininom kanina. Pinagalitan din siya ng nanay ko dahil sa padalos-dalos na pagtatanong kay Jordan kanina. Si Jordan naman ay kanina pang nakaalis. Matapos kumain at magpahinga nang ilang saglit ay tumulak na ri