Three months has passed. Sa bilis ng pagdaan ng panahon ay hindi ko namamalayan na pitong buwan na ang aking tiyan. Nasasabik ako sa bawat araw na nagdaraan sa kaalamang ilan pang buwan ay mayroon na akong dalawang supling na mayayakap paggising sa umaga at bago matulog sa gabi. Tatlong buwan na rin pala akong nandito sa probinsya. Kahit paano ay ramdam kong nakakahinga ako nang maayos. Malaya sa stress. Tahimik pero maraming kausap. I mean, tahimik ang lugar dahil walang masyadong sasakyan, malayo sa polusyon, at may sariwang hangin. Maraming kausap dahil nandito halos ang lahat ng mga kamag-anak namin. Tatlong buwan na rin noong nagdesisyon ako na umalis sa trabaho. Hindi lang ang isang tao ang pinalaya ko, binitiwan ko rin ang trabaho ko na natutunan kong mahalin sa ilang taon na pa