Kitang-kita ko ang gulat na ekspresyon ng aking tatay na napatayo pa mula sa tahimik na pagkakape nang huminto ang aking sasakyan sa tapat ng aming bakuran. Alas tres ako umalis at nagbiyahe mula Manila, at hindi pa sumisikat ang araw ay nakarating na ako rito sa bahay namin sa probinsya. Bukas na ang ilaw sa aming terasa rito sa baba, at nandoon nga ang aking tatay na naghihintay na lang na mag-umaga. Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay nasa gilid na ang aking tatay at hinihintay ako. Kinuha ko lang ang nag-iisang bag na dala at umibis na palabas. “Diyos ko, anak. Akala ko ay ako’y nagkakamali lamang.” Naisaad niya nang tuluyan akong makita. Mabilis na lumapit ako at nagmano. “‘Tay, mano po.” “Kaawaan ka ng Diyos.” Pagkatapos iabot ang kanyang kamay ay niyakap ako. Mariin akon