Malakas ang kabog ng aking puso na para bang lalabas ito sa aking dibdib anumang oras. I just missed him so much that I can’t help myself from hugging him. Sa sobrang higpit ng yakap ko ay para bang ayaw ko nang pakawalan siya. Sa isang iglap din ay tila nakalimutan ko ang lahat ng kasalanan niya sa akin. Sa isang kisap-mata ay bumalik na naman ako sa pagiging t*nga para sa lalaking ito. It still feels like home inside his arms. “What the f*ck are you doing, woman? Who the hell are you?!” Pero lahat ng emosyon na nagsisimulang sumibol sa aking dibdib ay isa-isang nagbagsakan nang marinig ang malamig at galit na boses ni Phoenix. Napalitan ito ng sakit na mas masakit pa sa pagkakahaklit ng kanyang malaking kamay sa aking braso para mabilisang ilayo sa kanya. “A-aaraay!” Para lang ako