“Why do you have his phone, b*tch? Give it to him!” Meredith said trying to intimidate me. It has been a while since we two had a talk and it wasn’t turn good. Sabagay, dalawang beses pa nga lang kami nagkikita pero wala nang maayos na usapan sa pagitan namin ni Meredith. Alam kong maayos na sa amin ni Phoenix, alam kong totoo rin siya sa lahat ng mga sinabi at pinakikita niya, na muntik ko nang makalimutan na may iniwan pa nga pala kaming problema sa Maynila. “Phoenix is not here. May pinuntahan saglit,” mahinahong sagot ko. Meredith let out an exasperated sigh. “Then call him! Tell him that his fiancée is calling and want to talk to him!” Magkausap lang kami sa cellphone pero daig pa niya ang nasa kabilang isla ang kausap. “I’m sorry, but I am not your maid to just follow your or