LXVII: Love

2364 Words

“‘Nay, bakit kayo lang po? Nasaan po ang tatay?” Nasa terrace lang ako buong umaga dahil hinihintay ko na bumalik si Phoenix, kaya naman naabutan ko ang pagparada ng tricycle sa tapat ng aming buhay. Tatlumpung minuto ang nakalilipas simula noong umalis si Phoenix. Umibis palabas ang aking nanay na may nakasukbit pang bag sa bewang. Ang pinsan ko naman na si Anthony na siyang nagmamaneho ng tricycle at katu-katulong ng mga magulang ko sa palengke ay dinala lang sa likod-bahay ang mga gamit, pagkatapos ay nagpaalam na rin sa amin. “Mano po. Bakit po pala tinanghali na kayo?” Hindi na ako hinayaan ng nanay ko na tumayo at siya na ang lumapit sa akin. Umupo siya sa upuang kawayan na nasa tapat ko. Alas onse na ngayon, kadalasan ay alas diyes pa lang ay nandito na sila sa bahay o hindi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD