“Please, update me once you get there.” Ako na ang nag-zipper ng kaisa-isahang dalang bag ni Phoenix. Wala namang laman ito kung hindi ‘yong laptop niya at ilang piraso lang ng damit. Nandito kaming dalawa sa kuwarto. Alas otso ang plano nilang tumulak papunta sa Maynila, pero alas siyete pasado na ay nandito pa sa bahay. Saktong kasasara ko lang ng kanyang bag nang hilahin ako ni Phoenix paupo sa kanyang hita. Naiyakap ko naman ang mga braso sa kanyang balikat habang mahigpit na yumayakap naman ang kaliwang braso niya sa aking bewang at hinaplos ang aking tiyan. “‘Wag na kaya akong umalis, hmm?” bulong niya habang isinisiksik ang mukha sa aking dibdib. Marahang isinuklay ko ang mga daliri sa kanyang buhok. “Napag-usapan na natin ‘to…” “Yeah, yeah. I know, baby.” Napabuntong-hini