Nagtuloy-tuloy ang hindi ko pagpansin kay Phoenix sa mga araw pa na nagdaan. Hindi ko siya kinakausap liban na lang kung ako mismo ang kausap niya at kailangan kong sagutin. Parati pa rin siyang sumasabay kapag ihahatid ang mga bata at kapag susunduin sa school, pagkatapos ay hinahayaan ko lang silang mag-usap na tatlo. Nakikinig lang ako sa isang tabi at kung hindi ako ang tatanungin ay hindi ako sasagot. Hindi ko alam kung assumera lang ba ako pero feeling ko nitong mga nagdaang araw ay si Phoenix na ang gumagawa ng paraan para pansinin ko siya tulad na lang ngayong araw. Linggo kaya walang pasok ang mga bata, pati siya ay nandito lang din sa bahay. May isang linggo na rin na hindi ko siya pinapansin. “Ate Astrid…” Nagtitimpla ako ng kape sa kusina nang madatnan ako ni Elsie. Alas s