Nagkita-kita kami nila Jake at Trevor sa dating bar na pinuntahan namin. Kasama ni Jake ang girlfriend niyang si Tracie. Magkakasama naman kami nila Kian at Janella. “Hey, bro! Long time no see!” Tumayo ang dalawa dahil nauna silang nakarating sa amin. Niyakap namin ang isa’t isa ni Jake at tinapik ang likod ng isa’t isa. Ganoon rin ang ginawa namin ni Trev pati na kay Kian. Pinakilala namin si Janella sa kanila pati na sa girlfriend ni Jake. Kumustahan muna sa una at pagkatapos ay nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay ng isa’t isa. “Teka, nasaan si Alex?” Tanong ni Trev. “Natawagan ko nga pala siya bago ako pumunta rito. Hindi siya sigurado kung kailan siya makakarating. Mukhang busy.” Sagot ni Kian. “Hindi na.” Sagot ng tao sa likuran ko. “Alex, bro!” Sambit ni Trev. Napatingin kami