“Shit..” ipinatong ko ang aking noo sa balikat ni Alena. Dahan-dahanko siyang ibinaba habang patuloy sa pagtulo ang shower. “Nagkaroon ka na ba?” Tanong ko. “Hindi pa. Magkakaroon pa lang.” wika niya. Umiwas siya ng tingin. Huminga ako ng malalim. “Sorry, hindi ko na namalayan. You’re so.. irresistible kasi.” Wika ko. May gusto pa sana akong sabihin pero minabuti ko na lang na huwag sabihin. Kung sakali mang mabuntis siya ay pananagutan ko ng buong puso. Sasaluhin ko ang lahat para sa kanya. Hindi maitatanggi ni Alena sarili niya na mas intimate ang nangyari sa amin ngayon. Para kaming naging isa. Hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyon. Hindi lang siya basta s*x. Dahil doon ay hindi ko siya masisisi na mangamba. I can assure her that I’ll do anything for her. Minabuti ko