Warning: SPG scene. Read at your own risk. No Minors allowed. Sumapit na ang gabi pero nandito pa rin ako sa apartment. Kumuha ako ng baso na may tubig at ipinatong sa mesa sa loob ng kwarto. Inayos ko ang kama at kumot. Pinagmasdan lang ako ni Alena sa aking ginagawa habang nasa pintuan siya ng kwarto. “Lance, pwede ka nang umuwi sa bahay ng lolo mo. Okay na ako.” Wika niya. “No. Sinabi ko na kanina sayo na dito ako matutulog. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari.” Tutol ko. Umupo ako sa edge ng kama na nakapaharap sa kanya. Kita niyang seryoso na ako. “Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka kung gusto mong gawin natin ulit yung ano.. hindi ko pa kaya.” Saad niya. Okay na yung pakiramdam pakiramdam niya kanina pa. Tumayo ako at nilapitan si Alena sa tabi ng pinto. Pumunta ako sa kanya