Lumabas rin ako. Sinundan ko si Ross. Nanigarilyo siya sa labas ng club. “Nasa sayo kung gusto mong gawin ang sinasabi sayo ni Kiko. Walang pipigil sayo. You’re a grown man already.” Wika niya sa akin kahit na hindi pa ako nagsasalita. “How are you and Colleen?” Tanong ko. I was talking about his long-time girlfriend. “We’re okay.” Sagot niya. “Okay.” Tipid kong sabi. “Kung itatanong mo kung kailan kami magpapakasal, I don’t think it will come.” Aniya. Nakatitig siya sa kawalan habang naninigarilyo. Malalim na ang gabi. May mga club goers sa gilid ng club na naghihintay ng magsusundo sa kanila. “I can say nawalan na kayo ng gana sa isa’t isa. Para na rin kayong mag-asawa.” Wika ko. “I don’t know what will happen. Go with the flow na lang.” Aniya. I went back inside para magpaalam