Nagulat si Alena nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Melai sa kwarto karga si baby Josh kasama na sina Trevor, Kian, Jake, Tracie at Katie kasama ang asawa niya. Napaawang ang bibig ni Alena nang makita niya silang lahat. Natulala siya sa kanila. “Alena, say yes!” Sigaw ni Kian. “Dali na, Alena! Naghihintay si Lance, oh!” ngiti sa kanya ni Trevor. Imbis na sumagot siya ay mas lalo siyang umiyak. Napatakip pa siya sa bibig niya gamit ang dalawang kamay. Natawa naman ako sa reaksyon niya na parang bata na ngawa ng ngawa kaya tumayo muna ako at niyakap siya ng mahigpit. Natawa naman sina Trevor at Melai sa inasal ni Alena. “Baks! Ano na, sumagot ka naman diyan!” ani Katie. “Ako na ang sasagot para sure, sige ka.” Pambibiro pa nito. Natawa tuloy si Alena. Tumingin s