Lumipat kami ni Alena sa kabilang kwarto dahil may mga decorations pa yung isa. Ikinwento niya sa akin ang mga nangyari noong mga panahon na wala ako rito. Sinabi niya rin sa akin ang pagpunta ni Gianna dito sa bahay. “Hindi kami nagkita ni Gianna sa Davao. I ended everything between us last year. Kung umuwi siya sa Davao, hindi na niya ako naabutan dahil umalis ako kaagad. Alex sent me the picture of you and him. Hindi ako kaagad naniwala sa picture na yon. Why would I? I trust you more than I trust that fvcking moron.” Humarap ako sa kanya at tinitigan. “I’m sorry. Nag-worry ka sa akin ng sobra. I promised to you, right? You weren’t even the reason why Gianna and I broke up. Hindi ko alam na pati ikaw idadamay niya.” Hinalikan ko siya sa noo. Dumapa ako at humarap sa kanya pagkatapos.