Kinabukasan, maaga akong nagising. Tiningnan ko ang phone ko na nakatabi sa ulo ko. Five am pa lang. Tumingin ako sa katabi ko. Natutulog pa rin si Alena. Hinaplos ko ang pisngi niya. “I’m sorry kung kailangan kong ilihim sayo ang tungkol sa pagtawag ni Gianna. Ayokong gawin, but it breaks my heart whenever I see you hurting.” Sambit ko sa kanya. I kissed her lips at gumalaw siya ng konti. I stared at her for awhile hanggang sa maisipan ko nang tumayo at maligo. Nagready ako pagkatapos ay lumabas na ng bahay at dumiretso sa sasakyan. I drove to resto. Habang nagmamaneho ako ay nakareceive ako ng panibagong message mula sa phone number ni Gianna. Nawalan ako sa mood. Itinabi ko sa tabi ng kalsada ang sasakyan. “What is it this time, Gianna?” Sambit ko sa sarili ko. I opened the mess