Parang ewan si Alena na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Pwede na nga itong mapunit anytime. Natapos ang pag-try niya ng pagkain sa JKL Restaurant. Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit iyon ang pangalan ng resto and she was amazed. “Thank you sa food, Kian. Thank you, Lance. Sobrang sarap talaga, guys.” She complimented us. Pinuntahan namin si Kian sa cashier para magpaalam na aalis na kami ni Alena. “Aalis na muna ako, bro, kasama si Alena.” Wika ko kay Kian. “No problem. Mag-ingat kayo. Thanks, Alena, nagustuhan mo ang food dito.” Ngiti ni Kian kay Alena. “Babalik-balikan ko yung food rito, Kian.” Sagot niya naman. “Thanks. Kung pumunta ka at wala ako, for sure si Jake ang nandito. We’ll be here whenever. See you around, guys,” wika ni Kian. Lumarga na kami ni Alena palaba