“Good morning, baby,” bati ko kay Alena nang magising siya. Nakatitig ako sa kanya habang nakapatong ang ulo ko sa palad ko. Nakatagilid kasi ako at nakaharap sa kanya. I smiled at her. “Ang ganda naman ng umaga ko,” wika niya. Hindi pa rin ako makapaniwala masisilayan ko na simula ngayong umaga si Alena at sa mga susunod pang mga araw. She smiled at me as well. “Best morning ever. Ang sarap sa pakiramdam na masilayan ang ganda mo sa umaga. Mas maganda ka pa sa umaga.” Wika ko sa kanya. “Sus, nambola ka pa.” She rolled her eyes at me pero ngumiti rin agad. “Nakakatakot masanay ng ganito. Baka hindi na ako pumasok sa trabaho. Gusto na lang kitang titigan buong araw. Matulog ka lang diyan. Papanoorin lang kita. I have all day.” Wika ko pa. “Lance, ano ka ba. Para kang ewan.” Natatawa n