Pagkatapos sa office ay dumiretso ako sa bahay. Ni hindi ko na pinansin sina Ross nang makasalubong ko sila sa hallway dahil nagmamadali akong umuwi. Nakita ko si Alena na nanonood ng netflix sa sala habang nakapatong pa ang paa niya sa mesa sa gitna. Napatingin ako sa kusina at nakita na sa dining area na nakahain na ang food. I smiled at her kahit na nakatalikod naman siya sa akin. Lumapit ako papunta sa likod niya at niyakap siya. I kissed the top of her head. “Hi,” bati ko sa kanya na para bang binata na nagpapapansin. She smiled at me nang tingnan niya ako. “Hey,” aniya. “How’s my beautiful wife?” I asked her softly. “I feel better now that you’re here.” Aniya. Napakunot ang noo ko. “What’s wrong?” Tanong ko. Tinitigan niya lang ako at saka umiling. “Wala naman.” Aniya tsaka