Natapos kami sa bar ni Ross. Madaling araw na ako umuwi. Pumasok ako sa kwarto and I saw Alena sleeping. I stared at her habang natutulog siya. Palagi kaming nag-aaway nowadays. Naisipan ko na lang na matulog sa sala. Kinabukasan, maaga akong umalis. Nagpunta ako sa bahay nila mama Ynez. I didn’t tell Alena to know what really happened if she’s telling the truth. Nang makapasok ako sa bahay nila mama Ynez ay nakita ko siya na naglalakad papasok sa kusina. Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ako. “Oh, Liam.” Aniya. Hinalikan ko siya sa pisngi nang makalapit ako sa kanya. “I won’t be long, ma.” Wika ko. “May itatanong lang ako.” “What is it?” Aniya. Hindi siya nakangiti na para bang inasahan na niya ito. “About your promise to me.” “Nakita mo ba kung paano ko kausapin ang