(Haylee) ILANG gabi na akong wala halos matinong tulog dahil gabi-gabing umiiyak ako habang naaalala ang mga nangyari sa aming dalawa ni Dominic. Ilang beses ko na tinangka kong tawagan siya pero kung hindi sinasagot, sinasadya niyang i-reject ang mga calls ko. ‘Ni isa din sa mga texts ko matapos ng gabing ‘yon, wala siyang nire-reply-an. Hindi na rin halos akong makapag-focus at maibigay ang one-hundred percent ko sa trabaho kasi nga sobrang nadadala ako ng emosyon ko, ng sakit ng nararamdaman ko. Pinipilit ko naman ang manatiling propesyunal lalo na kapag nasa harap ako ng mga estudyante ko, eh, pero minsan ang hirap talaga kasi nga ang bigat-bigat ng dinadala ko. Nakahanap lang ako ng pagkakataon na muling makalapit sa kanya nang minsan kong pinagtanong kay Mr. James ang susunod na m