(Haylee) SA kabila ng mga nangyari, life must go on to me. May career ako at may mga young minds na umaasa sa akin kaya nagpatuloy ako. Kahit masakit, kahit gabi-gabi akong umiiyak dahil naaalala at nami-miss ko si Dominic, nagpatuloy ako sa buhay. Isang umaga pa’y tinawag ako ni mama galing sa kuwarto ko dahil may bisita raw akong naghihintay sa porch. Nang sumilip ako sa bintana, nakita kong si Dominic ito. Nakatayo roon sa labas at mukhang may dalang kung ano, hindi ko lang makita talaga dahil nakatalikod siya mula dito sa gawi ko. Excited akong nilabas at pinuntahan ito. Magbabati na ba kami? Nandito ba siya para sa wakas ay magkausap na kami ng maayos at pakikinggan na niya ako? “Dominic…” Unti-unti itong humarap sa akin at ganoon na lamang an