(Haylee) PINANGHAWAKAN at tinotoo ko yung sinabi ko sa kanya, hindi lang basta sa salita kundi sa gawa mismo. Inumpisahan ko sa panunuod ng game niya without saying anything, basta surpresang pumunta at nanuod lang ako. Matapos nilang magkarera at nang makaakyat na dito sa bleachers ay sinalubong ko siya. “Hi, Nic,” nakangiting bati ko. “Haylee, nandito ka pala,” natutuwa namang aniya. “Hindi ko inaasahang pupunta ka, ah? ‘Di ka naman kasi nagsabi.” “Gusto kong surpresahin ka, eh, kasi nga sabi ko the last time sayo, ‘diba? Babawi ako, kaya heto at inuumpisahan ko na,” magaan kong sinabi. Magaan na lang din siyang napangiti. “Tara, dinner? My treat.” Alam kong hindi pa sila nakakapag-dinner dahil mag-aalas sais treinta pa lang naman ng gabi. Kapag alas otso onwards ang game, ‘yon m