(Haylee) NARARAMDAMAN kong marahan akong inihiga ni Ian sa kama at nagbabaubaya lang din ako. He never breaks our kisses. Nasa ilalim niya ako at siya’y nasa taas ko hanggang sa bumaba pa mga halik niyang naging mas mapupusok sa aking leeg. Parang nagising at nahimasmasan lang ako saka nabuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman kong tinangka na niyang ipasok ang kamay niya sa maliit na saplot kong tumatakip sa aking p********e. No! Hindi! Hindi ko muna mapapayagan at mapapahintulutan ang sarili kong gawin ang bagay na ‘yon hangga’t hindi pa kami nababasbasan ng simbahan, hanggang hindi pa kami kasal at hanggang sa hindi ko pa siya asawa. Tinulak ko siya at nabigla pa siya nang nahiga na lamang sa tabi ko. Kaagad akong bumangon at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama.