(Haylee) PAGKATAPOS ng araw na ‘yon, ang saya-saya ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang saya-saya ko talaga. Siguro masyado kong nagustuhan yung unique na naging Valentine’s date na hinanda ni Dominic para sa akin. First time ko kasi talagang magkaroon ng ganoong klaseng set-up ng Valentine’s date, eh. Yung walang ibang maraming tao, yung kaming dalawa lang. Tahimik at parang kaming dalawa lang yung tao sa mundo. Sobrang bago sa akin at sobrang naa-appreciate ko. Siya palang ang nakakapagparanas ng maraming klaseng bago sa buhay ko. The next week after that very special day, hindi ko akalain kung sinong tatawag sa akin pagkatapos ng klase sa eskuwelahan. “Hi, dear. Kamusta ka na? Long time, no talk,” ani Leonor mula sa kabilang linya. Kinabahan ako sa hindi ko mawaring kadahilanan. Si Le